Rey Pamaran itinuloy ang demanda kay Melissa Mendez

rey pamaran

SORRY na lang si Melissa Mendez dahil hindi tinanggap ng negosyanteng si Rey Pamaran ang kanyang “public apology” na ipinost pa niya sa Instagram. Hindi raw kasi nito na-feel ang sincerity ng aktres.

Kaya ayon sa kaibigan ng model-athlete na si Andrew Wolff, itutuloy pa rin niya ang demanda laban kay Melissa. Sinabi ni Rey na hindi na siya magsasampa ng kaso kung aaminin ng aktres ang kanyang kasalanan at sasabihin sa harap ng madlang pipol ang totoong nangyari sa loob ng eroplano kung saan nga ito nagwala.
Sa kanyang Facebook account idinaan ni Rey ang kanyang mensahe kay Melissa, “Reading the response of the supposedly ‘public apology’ of Ms. Mendez, I immediately made up my mind to pursue my cases against her.
I was hoping for a more heartfelt reply, where she would not only apologize but also own up to the lies that she said on TV to defend herself while destroying my reputation.”
Pero dagdag ng negosyanteng sinuntok diumano ni Melissa, “I am giving Ms. Mendez one more chance to clear EVERYTHING IN DETAIL, including all the lies that she said about the incident.
My lawyer, Atty. Fortun, will be filing the cases tomorrow so I guess that’s about the time that she has left. “I think this is not too much to ask. And please do it on TV, because that is where you destroyed my name.
Making statements thru social media just adds insult to injury,” sabi pa ni Rey Pamaran.Kanina, nagsampa na nga ng kasong Slander by Deed si Pamaran sa Pasay RTC kasama ang kanyang abogado laban kay Melissa Mendez at humihingi ito ng P3 million danyos.
Hindi kasi natugunan ng aktres ang kagustuhan ni Rey na ulitin ang kanyang public apology at hindi rin daw nito inamin sa madlang pipol na siya ang talagang may kasalanan sa nangyaring iskandalo sa eroplano.

Read more...