“As of now, no Filipino is reported to be on board the plane according to our Embassy in Paris,” sabi ni DFA spokesperman Charles Jose.
Sinabi ng mga opisyal ng Germanwings na sakay ng eroplano ang 144 pasahero at anim na crew members bagamat hindi naman idinitalye ang nasyonalidad ng mga pasahero.
Narekober na ang black box sa pinagbagsakan ng eroplano. Nagkalat din ang pira-prasong bahagi ng eroplano sa palibot ng kabundukan ng Alpine.
Wala nang isang oras ay maglalanding na sana ang Airbus A320 sa Duesseldorf matapos namang manggaling ng Barcelona nang mangyari ang aksidente.
MOST READ
LATEST STORIES