Gustong makaipon

DEAR Manang Pher,
Ako po si Mark. Gusto ko pong humingi ng payo sa inyo. Gusto ko po sanang mag-ipon pero hindi po ako makaipon. Malayo po kasi ako sa pamilya ko. Ano po kaya ang gagawin ko?
Mark
Good day sa iyo, Mark! A simple way is to look for an expense to cut and save that money.
Ibig sabihin, una ay alamin mo kung saan napupunta ang pera mo.
Maaari kang maka-ipon kung babawasan mo ang ginagastos mo para sa ilang bagay, halimbawa: load, sine, gimik, etc. at itabi ang pera para maging ipon mo ito.
Kung may bisyo tulad ng paninigarilyo, alak, sugal o Starbucks Frapuccino, maaaring bawasan o totally i-eliminate ito at itabi ang pera upang maging savings.
Effective rin na i-track o ilista ang mga gastusin upang malaman mo kung saan napupunta ang pera. Start with a daily count. Kung alam mo kung saan ang bulk ng gastos mo, maaari mo itong makontrol.
You also need focus, self-discipline and a financial goal para maka-save. Good luck!
Ang payo ng tropa:
Hi Mark!
Una, mahirap nga mag-ipon kapag kapos talaga di ba? Lalo na kung nagpapadala ka sa pa-milya. Siyempre, kaila-ngan nating tumulong sa ating pamilya.
Pangalawa, kung ang suweldo mo naman ay di kalakihan, sobrang mahirap talaga na mag-budget ng mga dapat bayaran. Pero dapat solusyunan ito.
Ang magandang gawin mo Mark, ilista mo lahat ng mga gastusin mo. I-check mo kung ano ‘yung mga bagay-bagay na hindi mahalaga, ‘yun bang mga bagay na mabubuhay ka naman kahit wala ang mga iyon.
Pag nakita mo ‘yung mga bagay na iyon na ginagastusan mo na wala naman palang katuturan, iyon ang magiging savings mo. Maliit man iyon, savings pa rin! Kaya makakabuti na mag-open ng account sa bangko.
Agree ako sa sinabi ni manang Pher na you need focus and self-discipline para makapag-save. At kahit pakonti-konti ‘yan, di magtatagal magugulat ka, malaki-laki na rin ang naiipon mong pera.
Finally, mag-isip ka rin ng dagdag na pagkakakitaan kahit may work ka na. Hindi kailangan malaking negosyo, kahit maliit basta makakatulong sa iyo ay OK na OK.
Ate Jenny B.

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...