Pangarap maging teacher (2)

Sulat mula kay Sheila Marie ng Facoma Subd., Valencia, Bukidnon

Problema:

1. Magka-college na po ako sa darating na June at ang balak kong kunin ba kurso ay Education. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung bagay o angkop po ba sa kapalaran ko ang kursong ito. Ang problema ko lang po ay mahirap lang kami kaya sa ngayon balak ko munang maghanap ng trabaho habang bakasyon.

2. At kung makapagta-trabaho ako balak ko sanang mag-working student. Kahit kaya working student ako makakaya ko kayang matapos ang course ko at kapag nakatapos na ako, makakapasa kaya ako sa board exam? December 12, 1997 ang birthday ko.
Umaasa,
Sheila Marie ng  Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ay nagsasabing, bagay na bagay nga sa iyo ang kursong may kaugnayan sa pagtuturo, dahil karamihan sa mga Sagittarius ay nagtatagumpay sa ganyang larangan. Ibig sabihin, hindi ka nagkamali sa pangarap mong tinatahak dahil balang araw sa pagtuturo o pagiging teacher ay magtatagumpay ka, uunlad at magiging maligaya.

Numerology:

Ang birth date mong 12 ay naglalarawan ng katalinuhan at pagiging masipag sa larangan ng career at propesyon. Ibig sabihin, kapag naka-enroll ka na sa darating na pasukan, tulad ng naipaliwanag na, sa kursong Education ay tuloy-tuloy ka nang mananaig at magtatagumpay.

Graphology:

Upang matiyak ang isang matagumpay at maunlad na career, ngayon pa lang ay ayusin mo na ang iyong lagda. Sa halip na sobrang liit ay lakihan mo ang mga letra at salita. Sa ganyang lagda—malaki at nababasa ang mga letra at salita—anuman ang pangarapin mo sa buhay ay magtatagumpay ka at magiging maligaya.

Huling payo at paalala:

Sheila Marie, ayon sa iyong kapalaran, kahit na ano pa ang gawin mo sa bakasyong ito o sa susunod na pasukan, mag-working student ka man o hindi, hindi na mahahadlangan ang nakatakda. Sa June 2015 ay makapag-aral ka ng college. Sa sandaling naka-in ka na sa kursong Education, tulad ng nasabi na, tuluy-tuloy ka nang makakatapos ng pag-aaral, makakapasa sa teacher’s board exam hanggang sa maging isang magaling at matagumpay na guro.

Read more...