Hindi nagpatalbog kay Daniel, album ni Kathryn platinum na

kathryn bernardo
HINDI na talaga maaawat ang mas lalong pag-angat ng bituin ng tinaguriang Teen Queen ng ABS-CBN na si Kathryn Bernardo.

Bukod sa sunud-sunod na blockbuster hit movies nila ni Daniel Padilla, at sa nalalapit na pagsisimula ng bagong teleserye nila ni DJ (remake ng Pangako Sa ‘Yo), heto’t panibagong good news na naman ang tinanggap ni Kathryn.

Umabot na sa platinum status ang kanyang self-titled album under Star Music, ibig sabihin nakabenta na ng 15,000 copies ng album ng young actress ang mga record bar.

Mismong ang Star Music ang nag-announce ng nasabing balita sa kanilang Instagram page. Ilan sa mga pumatok na awitin ni Kathryn sa kanyang 11-track album ay ang version niya ng classic OPM na “Mr. DJ” ni Sharon Cuneta, at ang favorite ngayong ng kanyang fans na “You Don’t Know Me.”

Last week naman, naabot na ng album (I Heart You) ng ka-loveteam ni Kathryn na si Daniel ang double platinum status.

Read more...