Basagulerang fan nina Daniel at Kathryn may masamang balak kina Nadine at Liza

liza soberano
ISANG KathNiel fan na naman ang nagbibigay ng hindi magandang imahe para sa supporters nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Meron kasing lumabas na screen grab ng conversation nito urging KathNiel fans na bastusin sina Nadine Lustre at Liza Soberano.

The fan told her fellow fans na kapag nakita nila sina Nadine or Liza ay gumawa sila ng eksena, tapunan nila ito ng kahit na anong bagay. At kapag nakita nila ito sa isang popular fastfood chain ay humingi raw ang fans ng oil at isaboy sa dalawa o kaya naman ay buhusan nila ito ng softdrink.

True kayang KathNiel fan ang hitad na ito? How mean can she get. Just because malalaking pangalan na sina Nadine at Liza ay nate-threaten na sila? Ganoon ba ‘yon?

For sure ay walang alam sina Daniel at Kathryn sa “utos” na ito ng basagulerang fan nila, that is, kung true ngang KathNiel supporter nila ito.

Tama nga ang panawagan ni Karla Estrada sa Kathniel fans na iwasan ang pagiging palaaway. Lahat na lang kasi ay pinagdidiskitahan nila. Lahat ng sa tingin nila ay threat kina Daniel at Kathryn ay kanilang bina-bash.

Read more...