Melissa Mendez walang ‘K’ humingi ng tulong sa Gabriela

melissa mendez
Hihingi raw ng tulong ang aktres na si Melissa Mendez sa Gabriela para ipagtanggol naman siya sa kinasangkutang iskandalo sa loob ng eroplano over the weekend.

Of course, this is still about the incident sa isang Cebu Pacific flight kung saan nanuntok siya ng pasahero (kaibigan ng model-athlete na si Andrew Wolff) and a flight attendant.

Sey ni Melissa habang umiiyak (na naman) sa isang TV interview, “Nawalan ako ng trabaho dahil sa kanya. I was supposed to leave ngayon. Biglang kinancel dahil mayaman sila, dahil influential family sila.

Kaya nga humihingi ako ng tulong sa Gabriela para tulungan nila ako.”  She added, “I know I’ll be vindicated naman. Wala akong hawak na pwedeng ikamatay ng tao.

Nasampal ko lang ‘yung lalaking nag-mock sa akin, nag-humiliate sa akin.” Pero sorry na lang si Melissa, mas marami kasi ang nagsasabi na siya pa ang may lakas ng loob na humingi ng tulong sa Gabriela, e, siya ang nagwala at nanakit?

Read more...