‘Lihim’ ng lalaking sinuntok ni Melissa nabuking

melissa mendez andrew
Naaawa pa rin kami kay Melissa Mendez dahil sa iskandalong kinasangkutan niya last week.

Sa ganang amin tila OA nga naman ang naging hakbang ng piloto na nag-decide na ibalik sa Manila ang eroplano gayung halos malapit na pala itong lumanding sa isang lugar sa Mindanao nang dahil lang sa pag-iiskandalo ng aktres.

Pati na yung Ray Pamaran na kasama ng aktor-modelong si Andrew Wolff na ayon sa balita ay siyang naging sentro ng iskandalo ay tila umober din sa pagre-react sa social media na parang babaeng putak nang putak.

Pero ang ikinainit talaga ng ulo namin ay magkakilala at magkaibigan pala sina Andrew Wolff at mga anak ni Melissa? E, bakit nagkaganu’n?

Grabe ang kabastusan at kawalang-galang ng aktor na ito kung tutuusin. Ito pa pala ang nag-video sa mga eksena nila at nag-upload nito sa social media?

Hindi na kami sasawsaw pa sa usapin dahil nasabi na naming naawa kami sa nangyari sa aktres, siya man ang nagkamali o may pagkakamali.

Hindi sasabog ng ganu’n ang isyu kung wala ring mga tulad nina Ray at Andrew na imbes na magpaka-gentleman na lang ay tinalbugan pa ang mga palengkera sa pagpatol kay Melissa na inakusahan pa nilang nakainom nu’ng mangyari ang kaguluhan.

Nakakatawa lang dahil ngayon nga lang namin uli narinig ang pangalan ni Andrew Wolff at ang kaibigan nito na sinasabing kilalang-kilala raw sa mundo ng basketball bilang “kaibigan” ng ilang atleta na ma-emote rin ang mga buhay.

Kayo na po ang bahalang mag-define kung anuman yun. Ha-hahahaha!!!

Read more...