Nikki kay Coleen Garcia: Mabuting tao si Billy!

nikki gil
WALANG-WALA nang bitterness sa puso at isip ni Nikki Gil kung ang ex-boyfriend niyang si Billy Crawford ang pag-uusapan.
Naramdaman ng madlang pipol ang sinseridad ng TV host-singer nang sabihin nitong mabuting tao si Billy na karelasyon nga ngayon ng It’s Showtime co-host na si Coleen Garcia.

Sa The Buzz nu’ng Linggo, tinanong si Nikki kung meron siyang gustong sabihin kay Coleen bilang bagong dyowa ni Billy, ano ‘yun? Diretsong tugon ni Nikki, “(Sasabihin ko) that he is a good person.”

Ibig sabihin, wala na talagang galit o sama ng loob si Nikki sa dati niyang BF. Ayon pa sa dalaga, positive vibes na lang ang pinaiiral niya ngayon sa buhay, lalo na ngayong malapit na siyang magpakasal sa kanyang non-showbiz boyfriend na si BJ Albert.

Sa tanong kung bakit agad-agad siyang magpapakasal kay BJ, ang sagot ni Nikki, “It just made so much sense not just in my head but in my heart.

It wasn’t like a burning, passionate ‘yes.’ It was more of a quiet, calm, peace in my heart and it was so clear that it was God who arranged. Of course, I said ‘yes.’”

Read more...