One Direction nag-sorry sa libu-libong Pinoy fans

one direction

Kahit wala ang isa nilang miyembro, at sa kabila ng isyu ng droga, tagumpay pa rin ang naging two-night concert ng British boyband na One Direction sa Pilipinas na “On The Road Again Tour”.

Hindi nga napigilan ng malilisyosong balita ang pagsugod ng libu-libong fans ng grupo para mapanood silang nagpe-perform up close and personal.

Dedma ang Pinoy supporters ng One Direction sa pag-absent ni Zayn Malik sa kanilang Asian Tour dahil halos magiba pa rin ang Mall Of Asia Arena sa mga nagkakagulong audience.

Nag-trending worldwide ang mga performances nina Harry Styles, Liam Payne, Niall Horan at Louis Tomlinson, bukod kasi sa live tweets ng mga taong nasa concert venue ay wala ring tigil sa pagtu-tweet ang mga 1D fans na hindi sinuwerte na makapanood nang live.

Ilan sa mga naging top trending topics sa Twitter at iba pang social media ay ang mga salitang “ComeBackSoon1D”, “OTRATourManila”, “at “NOCHILLPHILIPPINES”.

Kasabay nito, humingi pa ng paumanhin ang grupo sa kanilang Filipino fans. Pahayag ni Liam Payne, “We’re sorry we took so long to come here!”

Read more...