MULING na-hotseat ang bagong Bb. Pilipinas-Universe na si Pia Wurtzbach sa The Buzz kahapon dahil sa mga pinagtatanong ni Kris Aquino na may kinalaman kay Pangulong Noynoy Aquino.
Una, sinabi raw kasi ni P-Noy kay Kris na maging nice kay Pia sa pagharap nito sa madlang pipol, pero ayon kay Pia hindi naman daw siya ang nagsabi sa pangulo na utusan si Kris na maging mabait sa pagtatanong sa kanya.
Ibinuking din ni Tetay na kinikilig daw si P-Noy nang malaman nitong bibisita sa The Buzz si Pia. Sey ni Kris, ibibigay din daw niya kay Pia ang kanyang cellphone number para magkabalitaan sila.
Bago matapos ang interview nina Kris at Boy Abunda sa mga Bb. Pilipinas winners, muling inusisa ni Kris si Pia kung mahilig ito sa music, kung mahilig ito sa outdoor activities tulad ng firing, na paborito rin daw ni Pangulong Noynoy.
Ang lahat ng ito ay sinagot ng “yes” ni Pia, sabay sabing, “sounds exciting.” Sinabi rin ni Pia na hindi na sila nagde-date ni Phil Younghusband kaya ang banat ni Kris, pwedeng-pwede na – na ang tinutukoy nga ay ang posibleng pagkakamabutihan ng kuya niya at ni Pia.
Pero until now ay ayaw pa ring magsalita ni Pia kung ano na ba talaga ang estado ng relasyon nila ni P-Noy.