PARA sa mga nagre-request ng kabuuang pahayag ng model-athlete na si Andrew Wolff sa last episode ng Startalk noong Sabado ng gabi tungkol sa iskandalong kinasangkutan nig aktres na si Melissa Mendez habang sakay ng eroplano, narito ang kanyang mahabang paliwanag.
“Dear viewers of Startalk,
“I want to clear up the issue involving Melissa Mendez and maybe place some logic into the whole affair.
“Nung Biyernes ng umaga, sumakay po kami sa eroplano peacefully, to attend a meeting in Pagadian by lunch. Most of you know my side of the story pero bina-bash na po ako ng mga fans nila ng anak niya.
“I too have a daughter, fiancee, mother, that I love with all my heart. Ganito po yung totoong nangyari with no disrespect to Ms. Melissa.”Ms. Melissa claims to have been disrespect that I didn’t recognize her during the incident.
My fault for not knowing all showbiz stars here. I am not involved in showbiz na po kasi. “I never said or did anything bad towards her. The other passengers and flight attendants can attest to that.
Meron siyang nasaktang tatlong tao. Kami po, wala kaming ginawa sa kanya. We were not issued any warnings by Cebu Pacific staff. “Unfortunately, Ms. Melissa was given 3 warnings to sit down or otherwise be ejected sa flight.
Kung naagrabyado po siya, sana kami din po ang pinababa ng eroplano at sana kinonfront din po kami ng ibang mga pasahero.
“Kung may makita hang binabastos na babae, ‘di mo ba ipagtatanggol? The fact is, hindi po siya binastos or binully.
Kasama po namin sa flight ang apat na kaibigan niya hanggang Pagadian.”Hindi po nila kami kinonfront or inaway sa pag-eject ni Ms. Melissa sa buong flight hanggang Pagadian kasi wala pong rason para i-confront kami.
Wala kaming kasalanan sa kanya. “Hindi naman po kami pinababa o kinuwestiyon ng police dahil we were sitting there peacefully waiting to get to the destination.
Walang nakitang masama ang staff ng Cebu Pacific sa actions namin.”Sapat na po ang statement na ito at hindi na po namin kailangan pa magpa-interview dahil naniniwala po ako na lalabas din ang buong katotohanan.
Ang mga taga-Cebu Pacific at mga pasaherong kasabay ang makapagpatunay kung ano po ang nangyari.”Kung ano man po ang susunod na sasabihin ni Ms. Melissa, wala na po kaming balak na sagutin pa.
Ang mga taga-Cebu Pacific na po na walang kinakampihan ang makapagbigay ng totoo, walang labis at walang kulang na salaysay.
“These are the facts and maraming salamat po.”