Binoe pinipilit tumakbong Senador sa Eleksiyon 2016 By: Ervin Santiago - 10 years ago MAY mga namba-bash kay Robin Padilla na puro dakdak lang daw siya tungkol sa pag-alis niya sa Pilipinas dahil sa matinding pagkadismaya niya sa mga nangyayaring kapalpakan sa Aquino administration. Ayon sa ilang netizens, kung desidido raw si Binoe sa pananakot niyang lilisanin na ang Pilipinas at sa ibang bansa na lang maninirahan kasama ang asawang si Mariel Rodriguez, dapat wala na ito sa bansa. Masyado lang daw epal ang aktor pero waley din naman. Pero sa isang interview, sinabi ni Binoe na hindi pa rin niya nakakalimutan ang sinabi niyang lalayasan na niya ang Pilipinas dahil feeling niya ay hopeless case na ang bansa dahil sa mga walang kuwentang opisyal ng gobyerno. Aniya, may mga rason siya kung bakit nandito pa rin siya sa bansa. Isa na nga raw diyan ang bago niyang endorsement na Ascof Lagundi, “Di ko naman binabago ’yon, e. Kasi nga, ang totoo niyan, may mga bagay dito na… ito, hindi ko maiwan ’to. Kalokohan akong umalis dahil naniniwala ako dito, e. At bukod diyan, may mga bagay pang nagho-hold sa akin ngayong mga oras na ito. “Pero kung bibigyan mo ako ng choice, kung wala ito (pinaniniwalaang endorsements) baka ini-interview mo ako sa Spain.” Kung matatandaan nag-post si Robin Instagram ng mensaheng lilisanin na niya ang Pilipinas matapos payagan ng Quezon City Regional Trial Court na makapagpiyansa ng P11.6 milyon at pansamantalang makalaya ang Maguindanao Massacre suspect na si Sajid Islam Ampatuan. Ipinagdiinan pa ni Binoe na hindi pa rin nagbabago ang desisyon niya, meron lang daw siyang kailangang ipaglaban pa para na rin sa mga Pinoy, kabilang na riyan ang isa pang proyekto na may kinalaman sa housing, “So, paano mo naman iiwan ’yon?” Samantala, marami naman ang nanghihikayat kay Binoe na tumakbo na sa 2016 elections, sigurado na raw ang pagkapanalo nito kung sakaling sumabak ito sa politika. Karamihan daw sa mga nanliligaw na political group kay Robin ay gusto siyang isama sa senatorial lineup. READ NEXTAndrew Wolff: Wala akong pakialam sa inyo! nakita n’yo na ang ebidensiya! MOST READ Comelec eyes 35,000 armed personnel as backup poll board members Rody asks Davao folk: ‘Don’t abandon Dutertes’ COA: BSP spent P5.95B for new peso banknotes MMFF 2024: Change in viewer behavior, word of mouth come into play IMF sees 36% of PH jobs eased or displaced by AI LATEST STORIES Morocco migrant boat wreck on Dec 19 left 70 missing – Mali Five facts about electric vehicles in 2024 Firecracker injuries climb to 69 as DOH reports 26 new cases Wheat imports rising as Filipinos diversify diet Pope brings Holy Year and prayers for better future to Rome prison Read more...