Andrew Wolff: Wala akong pakialam sa inyo! nakita n’yo na ang ebidensiya!

andrew wolf
Matigas pa rin ang paninindigan ng model-athlete na si Andrew Wolff sa nauna niyang pahayag hinggil sa ginawang pagwawala ng aktres na si Melissa Mendez sa loob ng eroplano nu’ng Biyernes ng umaga.

Ayon kay Andrew, pinagsalitaan ng hindi maganda at sinuntok pa ang kaibigan niyang si Rey Pamaran at ang isang flight attendant, dahilan para pababain ng eroplano ang aktres.

Ngunit sa panayam naman kay Melissa, sinabi nitong siya ang unang binastos ng kaibigan ni Andrew kaya napilitan lang siyang gumanti.

Kung may kumakampi kay Andrew sa ginawa nitong pagpo-post ng nangyari sa eroplano, meron ding nam-bash sa kanya, ang ilan nga ay minura-mura pa siya. Sagot naman ng modelo, “Sa mga hater diyan.

Unfollow me. I don’t need followers. I don’t need your comments. “Bago umabot ito sa pagbabaliktad ng istorya at kami pa ang tirahin ng ibang media dahil sa maling kuwento, ito na ang ebidensiya para sa inyong lahat.

Tahimik kami at walang ginagawang masama dun. Ipinagmumura at inaaway ang kasama kong boss at ako hanggang sa masaktan ang boss ko. Kahit nanay or lola pa ’yan, unacceptable behaviour ito.

“Now, before you netizen haters continue with unwanted opinions, di kami magpapa-interview ‘cause we don’t have time for this nonsense and hindi namin hiling na sumikat.

The evidence speaks for itself and everyone on that plane knows the truth… To the others, salamat sa inyong support.”

Read more...