Bagong teleserye nina Xian at Kim tuloy na tuloy na

kim chiu
Mukhang maglalagare sa dalawang malalaking projects si Xian Lim next month. Nag-storycon na kasi siya para sa first movie together ng “hilaw” pang magbiyenan na sina Batangas Gov. Vilma Santos at Angel Locsin, ang dalawang Darna sa buhay ni Luis Manzano.

Finally, si Xian na ang nahanap na leading man for Angel sa movie na unang inalok kay Luis. Hopefully, ‘di na mapalitan si Xian sa project na ‘to tulad ng nangyari sa kanya sa teleseryeng Bridges of Love.

Bukod sa movie project niya with Gov. Vi and Angel, balik-tambalan sila ni Kim Chiu sa bagong teleserye na gagawin nila sa ABS-CBN. Nu’ng huli naming nakausap sina Kim at Xian sa backstage ng Star Awards kinuwento nila sa amin na may bagong teleserye nga sila sa Kapamilya network.

Duet pa sina Kim at Xian when we asked them kung kailan sila magsisimula sa bago nilang show. Sabi nila, sa April daw ang start ng bago nilang drama-series.

Read more...