‘Wag kang magmalinis Andrew Wolff, marami ka ring iskandalo!’

melissa mendez
JUST a thought or two. I am not privy to what really transpired sa Cebu Pacific incident involving my dear actress/friend Ms. Melissa Mendez the other day na ayon sa news ay nagwala raw sa airplane during their flight to Mindanao.

May event yata sila sa Pagadian causing harm daw sa two flight attendants and cursing a certain Mr. Rey Pamaran na kaibigan naman ng actor-model-athlete na si Andrew Wolff.

Even before it came out sa newspapers and TV news, early afternoon pa lang the other day ay nakausap ko na ang singer na si Ms. Malu Barry who were with them in the same flight.

Malu was seated sa bandang aisle ng first row beside Andrew Wolff while Andrew’s friend Mr. Pamaran was seated by the window.

Totoo raw na designated talaga kay Mr. Pamaran ‘yung seat na iyon na inupuan ni Melissa before ng take-off pero iyon na nga, napilitan itong lumipat sa kanyang upuan just right at the back of the first row.

Nagka-verbal tussle sina Melissa and this Mr. Pamaran during the flight and shall we say, mas maingay siguro si Melissa dahil alam ninyo naman ang isang babae, pag nainsulto ay lalong nagngingitngit pag pinapatulan.

Much more na lalaking dalahira rin ang bibig ang kalaban niya. When provoked, ibang usapan na nga naman.Nandoon na tayo – mali si Melissa sa pag-upo sa hindi niya designated seat pero for a gentleman to fight it off with her, that’s kinda “very ungentlemanly”.

Lalong nagalit lang si Melissa when this Mr. Pamaran insulted her by saying “ang baho ng hininga mo”. Doon daw siya sinampal ni Melissa and that started the commotion.

Umawat na siyempre ang mga stewardesses and kung may nasaktan man sa kanila ay hindi sinasadya ni Melissa iyon. Iba ang nasaktan sa pag-awat at iba naman ‘yung sinasabing sinadya kaya OA din ‘yung pilot ng Cebu Pacific sa statement niya sa video na “bababa ka na dahil sinaktan mo ang mga crew ko”.

Yes, it looked like naging unruly si Ms. Mendez pero merong pinanggalingan naman ang pag-init ng ulo niya. Ipagpalagay pa nating mali si Melissa sa pag-upo sa hindi niya designated seat at pagpumilit to stay pero sana naman, ang lalaking ito named Mr. Pamaran ay hindi na nakipagsagutan pa.

Nagpasensiya na rin sana siya — parang lumabas na mas masahol pa siya sa aming mga bading sa pakipagtalakan sa babae. Unless he’s also one of us. Pero kahit na, babae pa rin si Melissa.

Kumbaga, pinacify na lang sana niya ito at hindi na nakipagtarayan, di ba? Alam niyo po, madaling sabihing mali si Melissa pero if you were also in her shoes, pag ininsulto ka na ng kapwa mo lalo na on a personal level (public figure kasi ito and sabihan mo ba naman ng “mabaho ang hininga mo” na dinig ng lahat ng pasahero), mag-iinit ka talaga and hindi mo na iisipin ang kahihiyang kauuwian ng maaari mong magawa – makipag-away, magsisigaw or what – balewala na iyon pag na-provoke na nang husto.

Doon na siya (Mr. Pamaran) nasampal ni Melissa. Paano nalaman ng public ang pangyayari? Via Andrew Wolff’s IG account with matching caption – obviously ay kinampihan agad talaga ni Andrew ang friend niya but his statement against Melissa sa IG niyang iyon added insulted to Melissa’s person. ‘Yung sinabing she is somebody na sikat daw dati and all.

Friend ko si Andrew Wolff – I love this guy so dearly pero I just found it off na siya pa ang kumuha ng video para ma-pin down lang si Melissa and posted it sa IG niya. Na parang pinalalabas nilang napakasalbahe ni Melissa.

Na parang wala na siyang tamang ginawa. Na she was completely off. Mind you guys, coming from someone like Andrew Wolff naman na hindi naman kalinisan ang imahe (no offense meant sa iyo, kaibigang Andrew) – how many mauling incidents na ba ang kinasangkutan ni Andrew in the past?

Tapos siya ngayon ang main witness sa insidente? Andrew’s words against Melissa’s? And Malu told me na hindi sadyang sinaktan ni Melissa ang flight attendants.

Nasugatan yata ang kamay ng isang stewardess dahil sa pag-awat niya sa dalawang nagkagulong pasahero pero hindi siya sadyang sinaktan tulad ng lumabas sa news.

Kaya it’s grossly unfair naman kay Melissa na sa kaniya na ibinato ang lahat ng mali sa pangyayari.Naawa ako kay Melissa in a way. She’s being judged by the public.

Mali na kung mali ang sinimulan niya dahil she took the wrong seat at nagkataong ang may-ari ng upuang iyon ay nagmamaldita rin who happens to ba a MAN na walang paki kung mang-insulto ng babae.

That’s the saddest part to it – isang LALAKING pumapatol sa BABAE. Kakaloka, di ba? ‘Yung sinasabi ni Andrew Wolff sa IG niya na “amoy beer brewery” raw si Melissa – short of saying na nakainom ito before the flight – wait lang, Papa Andrew! You’re saying na hindi tamang amoy BEER si Melissa pero nakalimutan mo ba ang mga kasong kinasangkutan mo in the past – na puro ALAK ang pinagmulan na parang may kasama pang something kaya praning na praning ka raw.

Remember the Boracay incident kung saan ikinulong ka dahil sa pakikipag-away? Hindi ko lang kasi ma-imagine na ikaw pa ang nag-post sa IG mo na “amoy beer brewery” si Melissa na wari’y you’ve never tasted liquor sa tanang-buhay mo.

I don’t think this is right. And Papa Andrew, sana tingnan mo muna ang sarili mo sa salamin bago mag-post ng sobrang kalinisan.

Para sabihin mo ring this is the very first time that you’ve experienced something really ridiculous during a flight – let’s not think of flights – think about many other things and incidents when you weren’t just UNRULY – very HARMFUL pa kaya. Let’s compare notes, OK?

Read more...