Angel pumayag maka-loveteam si Xian Lim

angel locsin
TULOY na tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nina Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at Angel Locsin na ididirek ni Joyce Bernal handog ng Star Cinema.

Sa ginanap na story conference kahapon sa ABS-CBN ay nalaman naming kasama si Xian Lim sa pelikula bilang leading man ni Angel, pero iikot pa rin daw ang kuwento kina Ate Vi at Angel.

Hmmm, ito kaya ‘yung pelikulang sobrang yaman ni Vilma at anak niya si Xian na nagkagusto kay Angel na sobrang hirap?
Parang nabanggit na kasi ito sa amin noon pa kaya bigla naming naalala, ‘yan ay kung hindi babaguhin ang kuwento dahil alam mo naman ang Star Cinema bossing Ervin, kapag nalalaman ng iba ay biglang binabago tulad ng titulo ng “Crazy Beautiful You” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na noong naunahan nating ilabas ay biglang naiba.

Kaya hindi ito ‘yung “Darna” movie na balitang pagsasamahan din nina ate Vi at Angel dahil sa pagkakaalam namin ay hindi pa mabuo-buo ang istorya ng bagong “Darna”.

At hula namin kaya si direk Joyce ang kinuhang direktor ay dahil gamay na niya si Xian Lim at ang alam namin ay nailalabas ng aktor ang galing niya sa pag-arte kapag si Binibining Bernal ang nagdidirek.

Read more...