Toni, Coco parehong nagsimula sa pagiging extra By: Ambet Nabus - 10 years ago Going back to “You’re My Boss”, ito nga ang kauna-unahang pelikula na pagtatambalan nina Toni at Coco Martin. Wish talaga ni Toni na makagawa ng movie with Coco bago pa man siya magpakasal kay Paul Soriano this year. “Feel-good movie ito. Simple ang plot about a boss and a messenger na mapipilitang magpalit ng posisyon sa kumpanya niya para maisara ang isang malaki at importanteng business deal, pero in the process ay nagkainlaban,” sey ng direktor nitong si Antoinette Jadaone. Nakilala si direk Jadaone sa mga hugot lines na pinauso niya sa super successful movie nilang “That Thing Called Tadhana” kaya’t umaasa din ang mga manonood na dala-dala ng “You’re My Boss” ang tatak niyang ito. Ipalalabas ang movie ngayong April 4 under Star Cinema. Nakakatuwa ang kuwento nina Coco at Toni tungkol sa pagi-ging extra nila noon sa isang teleserye, “Siguro meron kaming common story na nakakatuwa. Nalaman na lang namin dahil siyempre ‘pag nagse-setup, hindi na kami bumabalik sa tent, nag-uusap na lang kami sa gilid,” ani Coco. “Nakakatuwa kasi doon sa isang teleserye na nag-talent ako, nag-talent din pala siya. Sabi ko, ‘Bakit hindi tayo nagkita? Hindi nga?’ Nag-uusap kami, sabi ko, ako yung barkada nung isang artista.”Sabi niya, ‘Ha? Ako naman yung barkada nung isang artista.’ “Magkahiwalay siguro yung set namin. Nakakatuwa, kasi yung common denominator namin is really that we started from the bottom,” pagbabalik-tanaw pa ni Coco. READ NEXTBoy kay Willie: Nakikita kong masaya siya talaga! MOST READ Gov’t to push for flexible work setups this year Darryl Yap says after Vic Sotto files case: 'Pepsi goes back to court' Priscilla Meirelles flaunts 18-kg weight loss: No magic pill, surgical procedure PVL: Ces Molina, Ria Meneses leave Cignal HD Spikers Nazareno arrives at Quiapo Church; Traslacion ends after over 20 hours LATEST STORIES We’re eating too much plastic—what to do? Lebanon army chief Aoun becomes president after two-year vacancy ‘Key suspect’ in US vlogger Elliot Eastman's abduction arrested Southeast Asia’s human rights and democracy Cebu’s ‘Fiesta Señor’ celebration begins Read more...