NANINIWALA si Mister International Neil Perez, PO2 Mariano Perez Flormata Jr na dapat mag-sorry si Pangulong Aquino hinggil sa Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force.
Sa roundtable interview ng Inquirer, sinabi ni Perez na ngayong nalaman na ng taumbayan na meron talagang pagkakamali ang pangulo nang magbigay siya ng instruction sa isang suspended Chief PNP, dapat na siyang mag-sorry para wala nang masabi ang taumbayan.
“Sorry, ok lang, kasi tao lang din. Dapat (siyang mag-sorry) dahil sa nagawa niyang pagkakamali sana gumawa na lang siya ng bagay para makatulong.
So nagkamali siya dapat gumawa na lang siya ng tama para wala nang masabi ang mg tao,” pahayag ni Perez.
MOST READ
LATEST STORIES