TULOY na tuloy na ang paglipat ni Willie Revillame sa GMA 7 matapos ang mahaba-habang negosasypon para sa bago niyang programa.
Ngayong araw pumirma ng kontrata ang TV host-comedian sa Kapuso network para sa isang game-variety show na kanyang iho-host na may titulong “WowoWin” na ididirek ni Randy Santiago.
Pumirma ng kontrata si Willie kasama ang GMA Network executives sa pangnguna ng chairman and chief executive officer ng network na si Atty. Felipe L. Gozon.
Ayon ka Willie, “Dito naman talaga ako nagsimula, I’m back where I truly belong.” Isa sa mga segments na mapapanood sa “WowoWin” ay ang”Bigyan ng Jacket”, ang linyang pinasikat ng komedyante sa dati niyang programa sa kabilang network.
Mapapanood ito tuwing Linggo. Kamakailan, sinabi ng ilang GMA executives na wala pa silang idea kung ano ang magiging show ni Willie sa network dahil hindi sila involved sa negotiation, diretso raw kasi ang TV host sa big bosses dahil nga magiging blocktimer ang sariling prosuksiyon ni Willie.
MOST READ
LATEST STORIES