Mga Laro sa Lunes
(JCSGO Gym)
1 p.m. Café France vs Tanduay Light
3 p.m. Hapee vs Jumbo Plastic
MAS gumanda ang opensa ng Cebuana Lhuillier para ipatikim sa MP Hotel ang masakit na 118-78 demolisyon sa 2015 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Kumana ng 58% shooting ang Gems atapat na manlalaro nito ang nasa double digits para katampukan ang mas magandang pagtutulungan na siyang nais ni coach David Zamar.
Si Jackson Corpuz ay mayroong 26 puntos, sina Almond Vosotros at Norbert Torres ay may tig-15 puntos at si Moala Tautuaa, na gumawa ng 34 puntos sa 86-85 panalo sa Café France, ay nakontento sa 11 puntos.
Binulaga ng Gems ang Warriors sa 30-13 panimula at umiskor pa ng hindi bababa sa 30 puntos sa ikalawa at huling yugto para katampukan ang dominanteng panalo.
“They showed good teamwork and played unselfish basketball,” wika ni Zamar.
Sinaluhan ng KeraMix sa unang puwesto ang Gems sa 89-71 paglampaso sa baguhang Liver Marin-San Sebastian.
Sina Luis Cinco at Jeff Viernes ay mayroong tig-12 puntos para pangunahan ang balanseng pag-atake upang manatiling malinis ang tropa ni coach Caloy Garcia.
Ang Cagayan Rising Suns ay nagwagi sa AMA University Titans, 75-70, para buksan ng maganda ang paghahangad na mahigitan ang ikalawang puwestong pagtatapos sa Aspirants’ Cup kahit wala na si Tautuaa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.