MANANG,
I’m Juciel,19 years old, from Surigao. I’m environmental science student dito sa SSCT.
I have a boyfriend for almost four years. Long distance relationship kaya po kami nagtagal. Two months lang po talaga kami nagkasama.
Kaya sa ngayon po dalawa po boyfriend ko ngayon. Mahal ko po ang 4 years BF ko pero gusto ko po ang pangalawa at three months na rin kami. Ano po ang gagawin ko at sino po ba ang pipiliin ko sa kanila? Thanks po.
Juciel, Surigao
Hi Juciel! Long distance or not, who do you love more? Who can you not live without?
Mahirap may dalawang BF ha. Una, unfair ka sa kanila (sige ka, baka ma bad karma ka n’yan…) and pangalawa, unfair ka rin sa sarili mo for having two people to give your heart to. Isa lang ang puso my dear.
Baka ma-cardiac arrest ka dahil overworked ang heart mo… Hahaha!
Kidding aside, choose who makes you the happiest. Choose who you can see yourself with 10-20 years from now.
Choose who makes you smile. Choose who you can be yourself with. Bottomline my dear, you CHOOSE. It’s your life, your decision afterall. 🙂
Ang payo ng tropa:
Hi Juciel, batang-bata ka pa ha na magkaroon ng boyfriend, imagine naka 4 years kayo ng long distance bf mo, tapos ngayon 3 months yung isa pa.
Wow! ang ganda mo. Dapat girl mamili ka na agad kung sino talaga sa kanila ang mas mahal mo at yung willing mong makasama nang matagal.
Kaya nga timbang-timbangin din ang feelings kung sino talaga sa kanila. Sino ang magpapasaya, magmamahal sa’yo ng tapat at ikaw lang ang makakasagot niyan.
And remember girl, relationship is about committing yourself to one person only.
JenB.
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.