Pia Wurtzbach minalas, bawal nang sumali sa Miss Universe
MAY lumabas daw sa social media (hope it isn’t a hoax – someone whispered kasi to me na talagang real daw ito) na dinisqualify ng Miss Universe Organization ang dalawang Miss Universe 2015 candidates because of their inter-racial status – si Miss Japan who is half-Japanese and half-American and our very own Miss Philippines-Universe Pia Wurtzbach who is half-Pinay and half-German naman.
Gusto kasi ni Pareng Donald Trump na kailangan ay purong taga-kung-saang-bansa ang puwede lang maging Miss Universe at hindi-half-half. Iyon daw ang advocacy ng Miss Universe.
Hindi ko lang alam kung advocacy nila ito this year lang or matagal na. Kasi nga, kung matagal na ito, baka wala nang nanalong Miss Universe in the past dahil most of them for sure ay may lahing iba in many ways than one dahil sa panahon ngayon, parang wala ng purong kandidata. Ang magiging ending kasi niyan kung iyon ay kanilang paninindigan ay puro aborigines and natives ang puwede lamang sumali.
Okay naman sana ang tono ng kanilang advocacy kaya lang, iyon na nga, baka wala nang magandang sasali. Lalo na sa Asian nations kung saan ay napakarami nang inter-racial marriages at bongga ang kanilang mga bunga. Kahit yung sa atin lang na former Miss Universe winners ay may dugong banyaga – sina idolong Gloria Diaz and Margarita Moran ay may dugong mga Spanish, di ba?
Alangan namang bawiin nila ang korona sa kanila ngayon dahil meron silang foreign blood. Para kasi sa amin, ang mahalagaay isyu on citizenship. Iyon ang dapat bigyan ng bigat. Hindi ba’t there were some instances in the past na merong nadi-disqualify na Miss Philippines winner dahil nabukong citizens sila ng ibang bansa kahit they are pure Filipinas sa dugo?
Isa na riyan ang mahal nating kaibigang si Ms. Anjanette Abayari who was discovered to be an American citizen after she won the pageant. Iyon ang dapat – hindi dahil sa half-something or what sila. It’s the citizenship that must matter more than anything. Mas logical pa. Kasi wala na talagang puro sa ngayon – may not be half pero kahit paano ay merong ibang dugo.
I-set niyo nga ako ng appointment with Pareng Donald Trump para mas mapaliwanag ko sa kaniya ang puntong ito. Ha-hahaha! Kawawa naman kasi sina Miss Japan at Miss Philippines kung magiging patakaran ito ng 2015 Miss Universe pageant.
Paano na iyan? Saan natin ipadadala si Pia Wurtzbach na natukoy naman na siyang dini-date ngayon ni P-Noy these past months? The lady is stunning and mind you, pinaghirapan niya ang kaniyang pagsaling ito sa Bb. Pilipinas dahil mantakin mo, 3-timer na pala ito at kung kailan nanalo tsaka naman madi-disqualify? Napakamalas namang buhay, di ba?
May laban pa naman siya dahil maganda at talagang naghahanda ngayon para lalong tumingkad sa Miss Universe pageant.
Pakiayos nga ang appointment ko kay Pareng Donald, ok? Kaloka!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.