PACQUIAO TATALUNIN SI MAYWEATHER —ROACH

TUMIBAY pa ang paniniwala ni Freddie Roach na mananalo si Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr. sa kinasasabikang pagtutuos sa Mayo 2 (Mayo 3 sa Pilipinas) matapos makita ang boksingero sa sparring sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.

Sinukat si Pacquiao nina Edis Tatli at Kenneth Simms, Jr. sa loob ng apat na rounds at naipakita ni Pacquiao ang masidhing determinasyon na maipanalo ang pinakamalaking laban na haharapin sa kanyang boxing career.

“When Manny threw out the first punch it felt like opening day of Irish Spring training,” wika ni Roach sa ESPN.

“Manny looked so fresh. You couldn’t tell he had been away from the ring since the Algieri fight in November. Manny is on fire in the gym. I am confident May 2 will be celebrated for years to come as St. Manny’s Day – the day he drove Mayweather out of boxing,” dagdag ni Roach.

Noong Martes nagsimula ang sparring ni Pacman at masusundan ito sa Huwebes at Sabado.

Kahit si Pacquiao ay masaya sa kanyang ipinakita sa dalawang bata na matatangkad at mabibilis na sparmates.
“It was great to finally put in the headgear and spar,” wika ni Pacquiao na sumailalim muna ng 13 araw ng strength and conditioning at boxing drills sa Wild Card Gym.

“My sparring partners gave me a good workout today. They were perfect for testing the strategy Freddie and I have developed to beat Floyd Mayweather. I was very happy with my stamina and speed today,” dagdag nito.

May apat pang sparmates ang nakareserba para isalang upang matiyak na laging hasa at mataaas ang lebel nito sa kanilang ensayo.

Read more...