NLEX dinurog ang Kia

Mga Laro Bukas
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Blackwater vs Rain or Shine
7 p.m. Meralco vs Purefoods

MULING pumutok ang  second half game ni Al Thornton habang nilimita ng depensa ng NLEX ang mga local players ng Kia Motors sa huling dalawang yugto para itala ng Road Warriors ang 102-86 pagwawagi at ikalimang sunod na panalo sa kanilang 2015 PBA Commissioner’s Cup elimination round game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Hinulog ni Thornton ang 25 sa kanyang 33 puntos sa second half ng laro at nagawang makalusot ng Road Warriors sa dikitang laban sa pamamagitan ng mga biglaang ratsada sa huling yugto para makatabla ang NLEX sa pinakamahabang winning streak sa kumperensiya at umangat sa 6-4 kartada.

Si Kia import PJ Ramos ay nagtala ng 41 puntos at 23 rebounds para pangunahan ang Carnival na nahulog sa
4-6 karta.

READ NEXT
NBA shoe biz
Read more...