Pag-ere ng laban nina Pacman at Mayweather ‘GINUGULO’ raw

manny pacquiao
KINUMPIRMA ng mga lady executive ng GMA 7 na totoong meron silang magandang offer para sa Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

Ayon kay Senior Vice-President for Entertainment Lilybeth Rosanable, nakatakda silang makipag-meeting sa kampo ni Ai Ai tungkol dito, pero nilinaw niya ang mga naglalabasang balita na sarado na ang negosasyon sa paglipat ng komedyana sa Kapuso network.

Nakachika namin si Ms. Lilybeth kasama ang ilan pang entertainment reporter at editor last Tuesday over lunch at dito nga niya sinabi na may isang “big role” sila na ibibigay kay Ai Ai sa bago nilang teleserye kung saan makakasama niya ang dalawang promising teen stars ng Kapuso network, ang magaling na aktor na si Ruru Madrid at ang pretty na si Gabbi Garcia.

Ito yung TV remake ng pelikulang “Let The Love Begin” na pinagdabihan noon nina Angel Locsin at Richard Gutierrez. Pero sabi nga ni Ms. Lilybeth, wala pang final decision ang magkabilang panig, “Kasi ‘di ba galing siya sa abroad.

Nagugulat nga kami kung saan nanggagaling ‘yung tapos na ang pag-uusap.”  Pero umaasa raw ang GMA na magiging maganda ang resulta ng magiging negosasyon ng istasyon at ng kampo ng Comedy Queen

.Samantala, tungkol naman sa mga isyu tungkol sa pag-ere ng laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa darating na May 2, kinumpirma rin ng mga bossing ng Siyete na medyo nagugulo ang istasyon dahil sa ilang “outside forces”.

Pero sabi nga ng isang GMA executive, na kay Pacquiao pa rin ang huling desisyon kung saan ipalalabas ang laban nila ni Mayweather, at mismong ang promoter na si Bob Arum daw ang kausap ni Pacman.

Ang Solar Channel naman ang kinakausap ni Pacman tungkol dito kaya tuloy lang ang pag-uusap ng GMA 7, ni Pacman ng Solar. Sa ngayon ay may exclusive contract pa rin si Manny sa Kapuso Network.

Read more...