Nora vs P-Noy: Personalan ang bakbakan

noynoy aquio
Nu’ng Martes nang gabi sa isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz ay pinagpistahan ang pagsali ni Nora Aunor sa rally ng grupong Migrante bilang pag-alala sa ikadalawampung taong anibersaryo ng binitay nating kababayan sa Singapore na si Flor Contemplacion.

Nang isapelikula ang buhay ng OFW ay si Nora ang gumanap, ang dahilan kung bakit sumali siya sa rally, pero bukod du’n ay nagsalita pa si Nora Aunor nang laban kay P-Noy.

Hindi raw alam ng pangulo ang kanyang mga ginagawa, ayon kay Nora, kaya mas magandang bumaba na lang ito sa puwesto. Naloka ang magkakaharap sa umpukan, paano na ang pangakong pagsagot ni Kris Aquino sa kanyang pamasahe kapag nagpunta na siya sa Boston para sa kanyang operasyon, purnada na ‘yun?

Bibigyan pa kaya siya ng pamasahe ng aktres-TV host ngayong nagsalita pa nang laban sa kanyang kapatid na pangulo ang Superstar?

Kung matatandaan ay hindi nakapasa ang aktres para parangalan bilang National Artist dahil sa pahayag ni P-Noy na nasangkot siya sa usapin ng droga sa Amerika ilang taon na ang nakararaan.

‘Yun kaya ang dahilan kung bakit nagsalita ang Superstar nang laban sa pangulo? Personalan na ba ito?

Read more...