Reaksiyon ni Kris sa pagsali ni Ate Guy sa ‘Resign P-Noy’: Dedmabels!

nora aunor
Kaliwa’t kanan ang namba-bash kay Nora Aunor matapos itong makipagmartsa para pababain sa puwesto si Presidente Noynoy Aquino noong Martes kasama ang grupong Migrante na ginanap sa Eastwood City.

Isa si Ate Guy sa nag-rally para gunitain ang ika-20th anniversary ng domestic helper sa Singapore na si Flor Contemplacion na binitay matapos inakusahan ng pagpatay sa kapwa niya kasambahay din.

Ang Superstar ang gumanap na Flor Contemplacion nang isapelikula ito ng Viva Films sa direksiyon ni Joel Lamangan na ipinalabas noong Hunyo, 1995. Nanalo ng best actress sa iba’t ibang award-giving body ang aktres dahil sa nasabing pelikula.

Sinabi ni Ms. Nora, “Nanatiling hungkag at ilusyon ang matuwid na daan at ang pagpapakitang tao ni Noynoy na ‘di na natin aasahan na magpapatupad pa ng matinong programa para sa OFW.

Ang totoo po, si Noynoy ang pangunahing tagabenta, pahamak at pahirap ng ating kababayan.” Bagama’t sumagot ang Malakanyang sa mga sinabing ito ng aktres ay humirit pa rin siya ng, “Ang importante sa akin ay ‘yung mga sobra niyang kapalpakan sa kanyang mga desisyon.

Nandito rin po ako kasi sana po gumising na ang ating mga kababayan. Siguro naman po alam nila ang nangyayari sa ating pamahalaan. Gusto ko talaga bumaba na siya talaga sa puwesto.”

Ang Queen of All Media na si Kris Aquino ang agad naming naisip dahil di ba, nangako itong sasagutin nila ni Boy Abunda ang gagastusin sa pagpapaopera nito sa ibang bansa kasama na ang hospital bills.

Kaya hiningan namin ng reaksyon si Kris tungkol sa ginawang aksiyon ni Ms. Nora laban sa kanyang kapatid na pangulo, at ang mabilis na sagot ng TV host, “Reggs, dedmabels.”

At ibinalita sa amin ni Kris na may gagawin siyang pelikula na ididirek ni Chito Roño na may titulong, “Etiquette For Mistress” na hango sa libro ni Ms. Jullie Yap Daza.

Dagdag pa ni Kris, “I still feel positive, SM just renewed (endorser), Bimb and me na.” Kaya pala dedmabels ang sagot ni Kris sa mga patutsada ni Ate Guy dahil may blessings na namang dumating sa kanya at sa kanyang anak.

In fairness bossing Ervin, maski na maraming bumibira at may ayaw kay Kris ay talagang marami pa rin ang nagtitiwala sa kanya in terms of product endorsement na pawang malalaking accounts, huh?

Kaya ang tanong namin, wala bang nakaisip na kunin ding endorser si Ms. Nora Aunor? Marami kaming nabasang bayolenteng reaksiyon ng netizens laban sa Superstar at heto ang isa na talagang gamit na galit kay Ate Guy, “Mawalang Galang Ate Guy!!! Umalis ako ng ‘Pinas 2007 till now asa ibang bansa pa rin ako! I dont think na kasalanan ng Presidente kung walang Trabaho diyan! Hindi siya ang may Ari ng Mga Company para mag utos na i-hire lahat!

“Hindi namin Mga OFW sinisisi ang Gobyerno! Parang ang kapal naman ng Mukha na kami ang asa Ibang Bansa pero mga asa Pinas ang nag rereklamo! Mas maganda ang buhay namin sa ibang bansa.

Nakakapagpadala kami sa pamilya namin! Sana nag ask Muna kayo sa mga lehitimong OFW bago kayo nagreklamo para samin!

“Kung lahat inaasa nio sa Presidente aba! Ginagawa niyong Dios ang Presidente para mag Himala!!! Ikaw din matagal sa ibang bansa mas Ok ka pa nga coz USA ka nakapunta! Don’t tell me naging katulong ka dun or caregiver? Nakakabastos na kailangan gamitin pa kaming mga OFW para sa personal niyong agenda!”

Read more...