Albert inatake ng depresyon: Miss na miss ko na si Liezl!

albert martinez
Sa unang pagkakataon, naglabas ng kanyang emosyon si Albert Martinez matapos ma-cremate ang mga labi ng asawang si Liezl Martinez na sumakabilang-buhay nga noong Sabado dahil sa sakit na breast cancer.

Ayon sa award-winning actor, sobra-sobrang kalungkutan ang nararamdaman niya ngayong wala na ang kanyang asawa. Sa kanyang Instagram account nag-post si Albert ng isang litrato kung saan magkasama sila ng kanyang misis.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Missing my Liezl so bad.”  Nu’ng kamamatay pa lang ni Liezl ay nag-post din si Albert ng mensahe kung saan inihayag nito ang kanyang pagsaludo sa kanyang misis sa pagiging mabuting asawa’t ina,

“She was a wonderful mother who devoted her entire life to our children. I have three wonderful kids because of her. “She was a supportive wife, who stood beside me in every endeavor, big or small. I am grateful to her.

I owe everything to her. I have a successful career and happy home life because of my wife Liezl,” ani Albert. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang aktor tungkol sa “pagwawala” ng ina ni Liezl na si Amalia Fuentes sa lamay ng kanyang anak dahil sa sama ng loob.

Read more...