NA-HOTSEAT ang kontrobersiyal na Binibining Pilipinas-Universe winner na si Pia Wurtzbach nang mag-guest ito sa Aquino & Abunda Tonight kagabi.
Isa sa mga naitanong kasi ng host ng show na si Kris Aquino sa beauty queen ay ang tsismis sa kanila ni Pangulong Noynoy Aquino, kumalat kasi ang balita bago ang Bb. Pilipinas grand coronation night noong Linggo na nagde-date sina Pia at si P-Noy.
Ayon sa chika, nakita raw ang dalawa na nagdi-dinner sa isang restaurant sa Quezon City kaya ang paniwala ng marami si Pia na ang bagong apple of the eye ngayon ng kuya ni Kris.
Inamin naman ni Pia na nag-uusap sila ng pangulo pero hindi nito diretsong sinabi na nililigawan siya nito. Ayon pa sa bagong Miss Universe-Philippines patungkol kay P-Noy, “He’s very fun to talk to.”
Nang sabihin naman ni Kris kay Pia na sana ay paligayahin nito ang kanyang kapatid, ang naging tugon lang nito, “Okay, (pero) he’s a very busy man and I’m also very busy preparing for Miss Universe.”
Natawa lang si Pia nang mag-promise si Kris na magiging “good sister-in-law” siya sakaling maging misis siya ng pangulo, “I swear, magiging nice ako ako as sister in law.” Ibig ding sabihin nito ay botong-boto si Kris kay Pia para maging asawa ng kanyang kuya.
Pero ang tanong ng madlang pipol, type ba ni Pia na mapangasawa si Pangulong Noynoy? Kung matatandaan ilang celebrities na rin ang na-link kay P-Noy, kabilang na ang past girlfriends niyang sina Grace Lee at former Valenzuela City councilor Shalani Soleded.
Natsismis din siya kina Liz Uy at sa dating beauty queen din na si Bianca Manalo.
MOST READ
LATEST STORIES