Pacquiao habambuhay na libre sa isang resto kapag natalo si Mayweather

Mayweather-Pacquiao

Mayweather-Pacquiao

Gerry’s Grill? E kung Manny’s Grill?

Mangyayari ito kapag natalo ni boxing champ Manny Pacquiao si Floyd Mayweather sa kanilang nakatakdang laban sa Mayo 2 sa MGM Grand Garden Arena.
Habambuhay na libre si Pacquiao sa Gerry’s Grill Artesia, California branch.
Sa ulat ng TMZ, na literal na pwede nang tumira si Pacquiao sa restaurant kung saan pwede niyang kainin ang lahat ng gustong putahe.

May dalawang kondisyon naman na ibinigay ang Gerry’s Grill.

Niliwanag ng restaurant na si Pacquiao lamang ang libre.
“It was a stipulation. The restaurant had to include because Manny rolls 50 deep with family and friends all the time,” sabi ng TMZ.

Ayon pa sa restaurant, hindi rin pwedeng magtakeout si Pacquiao dahil maaari niyang ipakain sa iba ang pagkain kapag nasa ibang lugar na sila.

Sinabi pa ng TMZ na kailangan na lamang talunin ni Pacquiao si Mayweather at maaari na niyang kainin ang lahat ng mga pagkain, kagaya ng sisig, adobo at crispy pata.

Read more...