Coco may banta sa manliligaw kay Julia

coco martin
Kahit na ilang ulit nang nagdenay sina Coco Martin at Julia Montes na special friends lang sila, mas marami pa rin ang naniniwala na matagal na silang magdyowa.

Ayon sa ilang supporters ng dalawa, nirerespeto nila ang desisyon nina Coco at Julia na ilihim muna ang kanilang relasyon pero para sa kanila, may pagkakaintidihan na ang mga bida ng bagong handog ng Dreamscape Entertainment, ang Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures na magsisimula na sa darating na Linggo sa ABS-CBN.

Mas nakumbinse silang may relasyon na nga ang dalawa nang sabihin ni Coco sa nakaraang presscon ng Wansapanataym na kailangang ma-in love muna siya sa leading lady niya bago siya makaarte.

“Honestly, kailangan ma-in love ako sa leading lady ko para makaarte,” chika ng Teleserye King. Hirit pa nito, “Mahirap ipeke ang acting. Kailangan nararamdaman mo siya, kailangan totoo, organic ang pinapakita.

“Sabi ko nga minsan hindi kailangan tumulo ang luha, minsan…maramdaman mo lang I’m sure mararamdaman nila kung ano ang nararamdaman mo. Kailangan nararamdaman ko ang isang bagay para maiarte ko,” pag-amin pa ng binata.

At para sabihin naman ni Julia na nakita na niya kay Coco ang mga qualities na hinahanap niya sa isang lalaki, ano pa ba ang ibig sabihin nu’n, di ba?

Sey pa ni Coco, “Napakalalim na ng pundasyon namin as a love team, kami ni Julia. Kumbaga parang kung i-overall ko siya, si Julia talaga ‘yong ‘pag sinabing sino ang naka-loveteam ko noong araw, Julia Montes.”

Hindi man diretsong sinabi ni Coco, tila binantaan na niya ang mga gustong manligaw kay Julia nang sabihin nitong bata pa si Julia para tumanggap ng manliligaw. ‘Yun na!

Makakasama rin sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures sina Ryan Bang, Eddie Garcia, Alonzo Muhlach, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Noni Buencamino, Arron Villaflor, sa direksiyon ni Avel Sunpongco.

Read more...