Pia Wurtzbach walang kalaban-laban sa Miss Universe

pia

Running joke naman ngayon ang biggest winner sa grand coronation night na si Pia Alonzo Wurtzbach na tinawag pang “worstback” bilang Miss Universe candidate natin this year.

Three-time repeater na kasi si Pia at sa lahat ng pagsali niya ay talunan siya sa mga naging representatives before her kaya mas lalong convinced ang marami na isa na namang “Luz Valdez” (read: talo) candidate ang isasabak natin sa Miss Universe ngayong taon.

“Hindi naman puwedeng three-times din siyang ipadala sa Miss Universe para lang manalo siya!” ang pang-ookray pang sey ng isang netizen sa pagkapanalo niya.

Mixed reactions naman ang nabasa namin mula sa komento ng ilang celebrities sa pagkapanalo ni Pia na dating Star Magic artist. May mga sumasang-ayon, meron din namang nakikisakay sa kantiyaw na nang-iinis dito lalo pa’t usong-uso ang kasabihang, “try and try until you succeed” na bagay na bagay daw kay Pia.

Natawa rin kami sa nagsabing, “The more entry you send, the more chances of winning.” Ha-hahaha! Grabeng pang-aasar din ang inabot ni Pia mula sa bashers, sabi ng isa mukha raw bola ang dating aktres, na walang baba, kapos sa ganda at iba pang panlalait na tila hindi raw napansin ng mga hurado.

Kung paano itong makakatulong o makakaapekto sa laban ni Pia sa Mis Universe, iyan ang ating aabangan.

Read more...