Kanta ni Jericho ibinigay kay Michael Pangilinan

jericho rosales

Anyway, on a lighter note, mapapakinggan na mula mamayang gabi ang theme song ng Bridges Of Love aired over ABS-CBN Primetime na pinamagatang “Pusong Ligaw” composed by Jericho Rosales and sang by our dear baby Michael Pangilinan.

Yes! It’s another feat for Michael’s career dahil siya ang napusuang kumanta ng theme song ng umiinit nang teleserye ng Dos – what a blessing for Michael, di ba?

“I feel so honored na ma-assign to sing the theme song ng Bridges of Love. Napakalaking bagay nito para sa akin. I feel so blessed sa totoo lang.

Maraming salamat sa ABS-CBN for entrusting me this project,” ani Michael na feeling nasa ulap sa sobrang galak. Marami pang naka-line-up na malalaking project si Michael Pangilinan this year.

As in, BIG ones talaga. Anyway, meron siyang solo concert this coming April 15, at 9 p.m. sa Teatrino (Promenade, Greenhills) entitled “Just Say 54” with very special guests Allan K and Richard Poon plus the very special participation of Ms. Elizabeth Ramsey.

Come and watch this dahil salubong ito sa 54th birthday ko. Getz niyo na kung bakit iyon ang title? Ha-hahaha! Ayan ha, nakakatawa na ako nang konti. Mwah! Mwah! Mwah!

Read more...