Horoscope, March 18, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Magsuot ng pula. Makikita mo at susuwertehin ka! Sa pinansiyal, kapag nakasuot ng pula ay kusang mahihigop ang maraming pera. Sa pag-ibig, kapag nakasuot ka ng pula ay lalo kang guguwapo o kaya’y lalo kang gaganda. Mapalad ang 9, 18, 25, 24, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kashta-Raga-Om.”
Aries – (Marso 21-April 19)—Paglaanan ang iyong pagtanda upang kapag sumapit ang panahong iyon ay wala kang pagsisihan. Sa pag-ibig, likas na pabago-bago ang damdamin— tandaan mong walang forever. Mapalad ang 6, 12, 23, 34, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nemo-Me-Impune-Om.” Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Wag nang masyadong pakaisipin ang mga taong pinautang mo na hindi nagsipagbayad, magkakasakit ka lang. Tutal malapit na ang Holy Week, patawarin mo na lang sila at wag na uling pautangain. Sa pag-ibig, habang lumalapit ang tag-araw ay lalong iinit ang romansa. Mapalad ang 9, 17, 19, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Paikot-ikot lang ang kapalaran. May suwerte upang pagkatapos nito ay tag-alat naman. Dahil ganito talaga ang buhay, mahalagang mag-ipon. Kapag marami kang savings, ikaw ang magiging panginoon ng iyong mga kapit bahay at mga kamag-anak. Mapalad ang 5, 14, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gosvami-Om.” Gray at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Wag isentro ang buhay sa masikip na sirkulo ng mga kamag-anak at kapamilya. Maaari kang lumabas ng bahay at magpunta sa malayong lugar. Sa ganyang paraan, nilalawakan mo ang iyong mundo ay magtatagumpay ka at higit na mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 19, 25, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Panahon na upang alisin ang yabang at pride sa iyong katawan. Tularan mo ang dagat na mas mababa sa bundok kaya laging puno ng tubig. Ibig sabihin, kapag nagpakumbaba ka, lalo kang sasagana at magtatagumpay. Mapalad ang 3, 9, 13, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Credo-Ut-Intelligam-Om.” Yellow at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Ibuhos ang lahat ng lakas upang kumita ng maraming-maraming pera. Sa pag-ibig, kung higit mong inuunawa ang sitwasyon at ang damdamin ng iyong kasuyo ay mas magiging payapa ang isipan. Mapalad ang 5, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis vivit qui bene vivit.” Gray at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Pagkain at makulay na kapaligiran ang magbibigay ng suwerte. Maghain sa hapag-kainan ng mga prutas na may iba’t-ibang kulay. Ang mga bagay na ‘yan ang magpapalakas ng libido at enerhiya upang mas madaling masagap ang magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 6, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Colors are the smiles of good fortune.” Red at gold ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Dasal at katahimikan ang puso ang susi upang lumigaya. Naranasan mo na bang hindi kumibo nang isang araw? Ngayong malapit na ang Holy Week, gawin mo yan at makikita mo, lalakas ang iyong “power.” Mas madali ka ng liligaya at uunlad. Mapalad ang 7, 13, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Per-Aspera-Ad-Astra.” Green at brown ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Wag masyadong “i-idolize” ang minamahal dahil kapag iniwan ka niya, ikaw din ang kaawa-awa. Bukod sa relasyon, may iba pang dahilan ang buhay – pera. Pahalagaan nang higit sa pag-ibig ang salapi upang yumaman ka na. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vid-Hunan-Vid-Hunan-Om.” Green at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa negosyo, umpisahan nang mangalakal sa iba’t-ibang lugar. Sa pag-ibig, paghandaan ngayon pa lang ang summer vacation sa isang lugar na malapit sa tabing dagat. Mapalad ang 5, 14, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nulli-Secundus-Aum.” Silver at gray ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi mo ba napapansin, sa umpisa lang tama ang iyong ginagawa pero sa bandang huli ay pagluha lang at kabiguan ang iyong napapala? Upang makamit ang inner peace at happiness, hindi ikaw ang dapat magpasya sa iyong buhay kundi ang kasuyong Libra. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum.” Green at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Paikot-ikot lang ang pangyayari, sa kabiguan din nauuwi ang lahat habang kusang nangyayari ang nakatakda. Mas mainam pang wag ka nang magplano at mag patupad upang hindi ka mabigo. Kung ano ang ginagawa mo sa ngayon, pagbutihin mo na lang! Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Just go with the flow.” Lilac at purple ang buenas.

Read more...