Ilang taong contribution di naisama

ETO ang SSS no ko ….125-5.

Ako si Gng. Emy Rodil ng Sta. Cruz, Marinduque.

Kamakailan lamang ay nakuha ko na ang aking pension pero kulang ito o kulang ang nakuha ko.

Nalaman ko na base sa assessment ay hindi napasama ang 1981 at 1985 na contributions ko sa SSS. Ano po ang dapat kong gawin para makuha ko ito?

Malaking tulong din ito para sa pang tuition ng anak ko. Salamat, sana ay matulu-ngan ako ng inyong
column.

REPLY: Para sa iyong katanungan Gng. Rodil, base sa aming record lumalabas na ang hindi napasama sa assessment ay ang mga taong 1985 hanggang 1989 at hindi 1981 hanggang 1985.

Noon ang mga hindi napasama sa encoding ng 1985 hanggang 1989 ay kailangang ipa-manual sa SSS, pero sa ngayon ay hindi na kinakailangan itong ipa- manual dahil agad nang isinaayos ng aming ahensiya ang pag-encode sa lahat ng mga may adjustment para sa taong 1985 hanggang 1989.

Hindi mo na kaila-ngang magtungo sa SSS para magpa-manual. Hintayin na lamang ang buwan ng Disyembre at otomatiko na itong maipapasama sa iyong pension.

I-check sa iyong ATM kung naipasok na sa claim hanggang sa katapusan ng Disyembre at sakaling magkaproblema ay saka na lamang magtungo sa anumang sangay ng SSS.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan Gng Rodil.

Ms Lilibeth Suralvo
Senior officer,
Media Affairs
Department
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...