Kris nagdarasal kay St. Joseph para sa susunod na dyowa

kris aquino

SA isang santo pala nagdarasal si Kris Aquini para sa pinapangarap niyang lalaki. Hindi pa rin daw siya nawawalan ng pag-asa at matatagpuan pa rin niya ang kanyang Prince Charming.
Pero kasabay nito, sinabi niyang nag-set siya ng napakataas na standard para sa lalaking ibibigay sa kanya. Sa episode ng Kris TV kanina sinabi ni Kris na nagdarasal siya kay Sleeping Saint Joseph para ibigay ang tamang lalaki para sa kanya.
“Si Saint Joseph was the foster father of Jesus, took care of him dito. So parang when it comes to matters of family and relationships sa kanya ka dapat.
Sulat mo ang intention mo doon at ilalagay mo sa ilalim niya para every night maaalala mo ‘yung prayer na ‘yon at ‘yung intention mo,” ayon pa sa TV host-actress.
May espesyal na hiling si Kris sa nabanggit na santo tungkol sa lalaking ibibigay sa kanya, bukod sa dapat ay tanggap siya nina Joshua at Bimby dapat daw ay “well-read” at “independently wealthy” ang guy.
“Tapos sinulat ko but if he is not (rich), can he be willing to sign a pre-nup. Talagang naka-ganoon, sabi kasi be specific,” aniya pa.”Dati dini-dedma ko ito pero napaka-importante talaga ng integrity, intelligence, fortitude, and trustworthiness,” huling hirit pa ni Tetay.

Read more...