Alyanna Martinez pinatulan ang taong naninira sa pamilya

alyanna martinez

PAGKATAPOS maglabas ng sama ng loob si Ms. Amalia Fuentes sa pagkamatay ng anak na si Liezl Martinez, nag-post ng isang cryptic message sa kanyang Instagram account ang anak nina Liezl at Albert Martinez na si Alyanna.

Sabi ni Alyanna, “Love and respect is earned. Not a right. Actions speak much louder than words. A flat out lie will ALWAYS be a lie. “And the truth will ALWAYS be the truth no matter what.
My mother is no longer around to defend herself so I delegate that task to myself now. If you truly love a person, you don’t destroy them. Living and/or dead.
“Enough said, God will have the final judgment at the end and our ENTIRE clan can rest in peace knowing the truth and not all the malicious attention seeking lies being spread around.
“You don’t know the whole story so don’t judge based on the false rants of one single person against a whole room of people who truly and deeply love my mother with all their hearts and not just for show,” ang mahabang post ni Alyanna.
Marami ang nagpapalagay na para sa kanyang lola ang nasabing message lalo na ang mga followers ni Alyanna sa social media, pero may nagsabi naman na para ito sa ibang tao na diumano’y nagkakalat ng malilisyosong chika tungkol sa pamilya Martinez.
Daan-daang netizens din ang nag-like at nag-comment sa post ng anak ni Liezl and they also believe na ito ang sagot ni Alyanna sa balitang pagrereklamo ng kanyang lola na parang nabastos siya sa pagbabalewala sa kanya sa lamay at cremation ni Liezl.
Ayon sa veteran actress, hindi raw ipinaalam sa kanya ang mga detalye ng cremation ng anak kaya na-late sila ng dati niyang asawang si Romeo Vasquez na ama ni Liezl.

Read more...