Senate draft report tinukoy si PNoy na responsable sa Mamasapano operation
INIHAYAG ni Sen. Grace Poe na direktang tinukoy si Pangulong Aquino sa Senate draft report na responsable sa Mamasapano operation na kung saan napatay ang 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).
“As to the President, he is ultimately responsible for the Mamasapano mission…” sabi ni Poe, habang binabasa ang draft report ng kanyang komite.
Pinangunahan ni Poe ang pagdinig ng Senado bilang pinuno ng Senate committee on public order, kasama ang committees on finance, peace, unification, and reconciliation.
Idinagdag ni Poe na mismong si Aquino ang nag-utos sa operasyon ng Mamasapano.
Ayon pa kay Poe, guilty naman si dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima ng usurpation of authority o official functions nang lumahok ito sa operasyon sa kabila ng pagkakasuspinde sa kanya ng Office of the Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.