NADAKIP ng mga pulis at sundalo ang isang dating commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), na umano’y kumakanlong umano kay bomb expert Abdul Basit Usman at mga banyagang terror conduit, nang magsagawa ng operasyon sa General Santos City kamakalawa ng gabi.
Naaresto si Mohammad Ali Tambako dakong alas-9 sa Brgy. Calumpang, sabi ni Chief Inspector Elizabeth Jasmin, tagapagsalita ng PNP Criminal Investigation and Detection Group.
Isinagawa ng mga elemento ng regional CIDG unit, mga sundalo, intelligence operatives, National Intelligence Coordinating Agency, at lokal na pulisya si Tambako sa bisa ng warrant para sa kasong murder at dalawang bilang ng frustrated murder, ani Jasmin.
Kasamang naaresto ang limang “trusted” na tauhan ni Tambako na sina Datukan Sato Sabiwang, Ali Valley Ludisma, Mesharie Edio Gasak, Abuzahma Badrudin Guaimil alyas Hansila Omar, at Ibrahim Manap Kapina, ayon naman sa ulat ng Central Mindanao CIDG.
Nakuhaan sina Tambako ng tatlong granada at dalawang maigsing baril, ayon sa ulat.
Sakay sina Tambako ng tricycle at patungo sa pantalan ng General Santos City nang maharang, ayon pa sa ulat.
Nilinaw ng militar sa isang kalatas kahapon ng hapon na si Kapina ay nagmaneho lang ng tricycle at maling naisama sa listahan ng mga inaresto.
Ex-BIFF na umano’y kumakanlong kay Usman tiklo
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...