NLEX SINAGASAAN ANG GLOBALPORT | Bandera

NLEX SINAGASAAN ANG GLOBALPORT

Melvin Sarangay - , March 16, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Bukas
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Purefoods Star vs Barako Bull
7 p.m. Alaska vs Meralco

SINAGASAAN ng NLEX Road Warriors ang Globalport Batang Pier, 94-81, para mauwi ang franchise-best na ikaapat na diretsong panalo sa kanilang 2015 PBA Commissioner’s Cup elimination round game kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Umangat ang Road Warriors sa .500 marka sa 5-4 karta sa unang pagkakataon ngayong kumperensiya matapos na magsimula sa kartang 1-4.

“We won this game due to the fact that Globalport had one guy injured. But still I give credit to Globalport for making this game difficult for us,” sabi ni NLEX head coach Boyet Fernandez.

Ang top overall pick na si Stanley Pringle ay hindi nakapaglaro para sa Batang Pier, na nakatikim ng ikalawang sunod na pagkatalo, bunga ng sprained ankle.

“I told my boys for sure with Al (Thornton) scoring 50 points last game Globalport will double him and now is the time to step up,” dagdag pa ni Fernandez.

Dahil tumutok ang depensa ng Globalport kay Road Warriors import Al Thornton, nagpiyesta si NLEX swingman Niño Canaleta sa labas matapos gumawa ng 29 puntos buhat sa 6-of-10 shooting mula sa three-point area. Siya ay tumira ng 11-of-16 field goals sa kabuuan.

Si Thornton ay kumamada ng 19 puntos at 10 rebounds apat na araw matapos gumawa ng season-high 50 puntos sa 96-90 panalo kontra Barangay Ginebra San Miguel.

Ang bagong import ng Globalport na si Derrick Caracter, na pinalitan si Calvin Warner, ay gumawa ng 27 puntos at 14 rebounds sa kanyang PBA debut.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending