Coco naka-jackpot na naman, tinuhog sina Julia at Toni

coco martin

Speaking of Coco Martin, for sure ang daming aktor sa ABS-CBN ang insecure sa kanya ngayon. Pagkatapos kasi ng sunud-sunod na teleserye niya sa primetime, he’s given naman a new task na mapanood ng weekend viewers via the new fantasy light-drama series, ang Wansapanataym: Yamishita’s Treasures every Sunday.

At the same time, may movie rin siya na ginagawa na ipapalabas din agad ngayong summer. Ang “You’re My Boss” teaming up for the first time sa bagong box-office queen na si Toni Gonzaga under Star Cinema.

Tanging si Coco lang daw ang artista sa kanyang henerasyon ang sabay nakakagawa ng serye at pelikula. Napaka-hardworking na artista naman kasi nitong si Coco at lahat ng ginagawa niya ay tinatangkilik ng audience.

Kaya hindi na nakapagtataka kung kaliwa’t kanan ang trabaho niya. Anyway, super nag-eenjoy daw si Coco sa paggawa niya ng Yamishita’s Treasures.

Super inspired din siya dahil for the nth time ay makakapareha niya ang kanyang favorite leading lady na si Julia Montes na gaganap bilang isang diwata sa programa habang mala-Indiana Jones naman ang role ni Coco special summer episode ng Wansapanataym.

Read more...