Babala sa fans: Wag bastos…baka malasin sina Daniel at Kathryn

karla estrada
KARLA Estrada has acknowledged KathNiel fans’ palaaway stance in one interview.

Aware na aware ang mother ni Daniel Padilla that there are some fans of Daniel and Kathryn Bernardo na talagang hindi maawat sa pagtataray sa sinumang pumitik sa kanilang idols.

In many instances ay talagang ipinapakita ng KathNiel fans na palaban sila kaya bash sila nang bash sa mga ayaw sa mga idolo nila.

Say ni Karla, huwag masyadong palaaway dapat ang KathNiel fans. Maraming dapat ipagpasalamat ang fans dahil sa napakaraming biyayang kanilang natatanggap.

Partikular na umapela si Karla sa KathNiel fans na nam-bash nang todo-todo kay Jasmine Curtis Smith nang masulat na hiwalay na ito kay Sam Concepction at si Daniel ang sinasabing third wheel sa break up nila.

Marami na ang nakapansin in the past na talagang palaaway ang KathNiel fans. Walang habas nilang nilalait ang mga artistang sa tingin nila ay panira sa loveteam ng idol nila.

Kaya sana makinig naman sila sa pakiusap ng nanay ni Daniel dahil may tama naman ang pinagsasasabi ni Karla.
Huwag masyadong magtaray at magyabang dahil baka karma ang kapalit niyan.

Read more...