Alonzo Muhlach may 2 teleserye, tinanggal sa Goin Bulilit

alonzo muhlach

Nahuli ang pagdating ng child star na si Alozno Muhlach sa presscon ng Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures. Nag-guest pa raw kasi siya sa show ni Vice Ganda.

Kuya ni Alonzo si Coco Martin sa bagong pantaserye ng Kapamilya netowrk na magsisimula sa March 22, Sunday.“Ako po si Newton. Kasi kunyari po nerd ako,” umpisa ni Alozno.

Naramdaman naman ni Alonzo ang love sa kanya ni Coco sa taping nila ng Wansapanataym, “Love po niya ako. Nagpupunas po siya ng sipon ko kapag nag-iiyak po ako,” kwento niya.

Sa ngayon, dalawa na lang daw ang show ni Alonzo sa ABS-CBN – Wansapanataym at Inday Bote. Ayon sa ama ng bagets at dating child wonder na si Niño Muhlach, wala na raw si Alonzo sa Goin’ Bulilit.

Binuking din ni Alonzo na sweet daw sa set ang kanyang Kuya Coco at si Julia.

Read more...