Bianca, Miguel magandang ehemplo sa mga kabataan

miguel tanfelix

IBANG klase talaga ang tambalan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Puro papuri ang nababasa namin sa social media tungkol sa loveteam nila sa GMA Telebabad series na Once Upon A Kiss.

Ayon sa mga netizen, napakagandang example ng dalawang bagets sa mga kabataan dahil bukod sa maaga silang natutong magtrabaho at makatulong sa kanilang mga pamilya, hindi pa rin nila nakakalimutan ang pag-aaral.

Naniniwala kasi sina Bianca at Miguel na pinakamahalaga pa rin sa buhay ng isang tao ang makatapos ng pag-aaral.
Sabi nga ni Miguel, walang kasiguruhan ang pag-aartista, maaaring sikat ka ngayon pero bukas ay hindi na.

Kaya mas mabuti pa rin ang may college diploma ang isang tao para sa kanyang kinabukasan. Bukod dito, hindi rin nasusuong sa iskandalo o kontrobersiya ang dalawang Kapuso teen stars at napapanatili pa rin nila ang kanilang wholesome image.

Hindi nga tulad ng ibang kabataang artista na ke bata-bata pa e, puro kalandian na ang alam. Samantala, sa pagpapatuloy ng Once Upon A Kiss sa GMA Telebabad, parehong makakakuha ng mataas ng marka sina Ella at Lily sa kanilang Filipino essays pero babagsak sina Prince at John sa English Literature quiz.

Dahil sa tulong ni Ella kay Lily, mae-encourage din ang ibang classmates na magpatulong kay Ella. Hindi makapapasok ang kusinera ni Betang. Magpiprisinta si Aurora na siya na lang ang magluluto.

Magpapakitang-gilas nga si Aurora. Si Simon pa ang unang customer na makatitikim ng adobo niya. At masasarapan siya. Tuwang-tuwa sina Aurora at Betang.

Naghahanda na si John para sa pagdaan ni Ella. Kasama niya sina Mickey at Prince. John asks Prince to give the flowers to Ella dahil tinatakbuhan siya nito ‘pag nakikita siya. John points to two girls (sina Ella at Lily) and Prince heads for Ella.

Hindi niya pa agad makikilala ito. Kaya magkakagulatan ang dalawa nang humarap si Ella kay Prince.
Magkakabukingan na nga sina John at Prince tungkol kay Ella.

Prince admonishes John to stay away from Ella, pero ayaw naman ni John kasi nga friends lang naman sina Prince at Ella. Mukhang magkakasuntukan pa ang dalawa.

Pero aawat si Mickey. Magkakahiwalay na lang sila with John saying may the best man win. Prince goes to Ella at sasabihing hindi niya hahayaang i-hassle ni John ang dalaga.

Ella reiterates na she’s there in school to study. Prince asks paano naman sila. Sasabihin ni Ella na sabay silang mag-aral.

Read more...