Kris desididong gawing singer si Bimby, pinakuha ng voice lesson

kris aquino
Trying to make sure that her son Bimby is armed with proper training, in-enroll ni Kris Aquino ang kanyang anak sa voice lessons.

Si The Voice Philippines season 1 finalist Thor Dulay ang kasalukuyang nagte-train ngayon sa anak ni Kris. Na-sight namin ang ilang photos na magkasama ang dalawa after their vocal training sessions.

Proud Mama, Kris announced Bimb’s voice lessons sa kanyang Kris TV show. Nothing wrong with that. Siyempre, proud na proud ang Queen of Talk sa anak niya, ‘no!

But what kinda jolted us was when Kris said na, “In fairness, may boses at tono siya.” Ano raw? Ay, we forgot nga na the mother is the one praising her son.

Alangan namang ilaglag ni Kris ang kanyang anak at sabihing wala na itong boses ay wala pa ito sa tono, ‘di ba? Another proud celebrity ay itong si Niño Muhlach na father ni Alonzo Muhlach.

Clearly, nakuha ni Alonzo ang kanyang kabibohan which he displayed in great abundance sa presscon ng Inday Bote.
Nang matanong kung ano ang role niya sa series, “Ako po si Empoy,” ang mabilis na sagot ni Alonzo.

At kahit hindi pa man tinatanong kung ano ang iba pang detalye, kaagad nag-volunteer si Alonzo ng, “Yes, I’m good. I can read minds.”

Ang nakakaloka, nang matanong siya kung iyon ba ang powers niya ay isang “That’s a secret” ang tugon niya. Kalokang bata, ‘di ba?

When one writer asked kung bakit tila nagalit siya sa isang eksena sa teaser ng Inday Bote, sagot ni Alonzo, “Kasi may pusa. ‘Yung pusa kasi nakakainis.

This is the tail of the pusa,” he said, showing off a tail which is part of his costume, then explaining why he was mad in the scene.

“Kasi ‘yung daddy ng bata sinira ‘yung punso namin,” he said.

Read more...