Dating mansion ni J-LO binili ni Pacman para iregalo kay Jinkee

manny pacquiao

KALAT na kalat na ang chika na si Manny Pacquiao pala ang nakabili ng isang mansion sa Beverly Hills, California na sinasabing dating pag-aari ng Hollywood superstar na si Jennifer Lopez.

Ayon sa naglabasang report, nakuha ng Pambansang Kamao ang nasabing 10,000 square-feet property na matatagpuan sa isang bonggang lugar sa sika na sikat na Beverly Hills. Base sa ulat ng ABS-CBN, nagbigay na ng downpayment si Pacman para masigurong hindi na ito makukuha ng iba.

Balitang tumataginting na US$12 million o mahigit sa P500 million ang halaga ng nasabing mansion, at ayon sa kampo ni Pacman binili raw ito ng boksingero para iregalo sa asawa niyang si Jinkee Pacquiao.

Kamakailan, nabalitang isinabay na ni Pacquiao ang paghahanap ng bagong property sa Amerika nu’ng nagtungo siya roon para sa gagawin niyang training bilang paghahanda sa laban nila ni Floyd Mayweather sa May 2.

Sabi pa nga ni Pacman sa isang interview bago lumabas ang balitang nabili na niya ang dating bahay ni Jennifer Lopez, “Nag-offer na ako. Maganda kasi ‘yung bahay tapos gated siya and hindi basta basta ‘yung tao makakapunta.

Pero nagtatawaran pa.” In fairness, iba talagang magmahal si Pacquiao, ‘no! Talagang buhos kung buhos para lang sa kanyang misis! Ikaw na talaga, Jinkee! Ikaw na!!! Ha-hahaha! May halong inggit, ‘no!

Read more...