Mommy Pinty: Hindi kami nakikipaglaban kay Vice Ganda!

alex gonzaga

“REGGEE, saan mo nakuha ang balitang may sama ng loob sa amin ang ABS-CBN? Hindi mo ako tinanong tungkol dito, basta mo na lang sinulat?” Ito agad ang bungad sa amin ni Mommy Pinty Gonzaga noong Sabado ng gabi.

Nagulat kami dahil wala kaming ideya kung ano ang sinasabing ito ng mommy ni Toni, ang akala namin tumawag siya para sitahin kami dahil sinulat namin na sa Hunyo 12 na ang kasal nina Toni at direk Paul Soriano at si Vera Wang nga ang tatahi ng wedding gown ng anak.

Sinabi naming wala kaming alam sa pinagsasabi niya, “Huh! Hindi ba ikaw ang nagsulat, kasi sabi sa akin, Reggee Bonoan daw,” biglang lambing ni Mommy Pinty.

At dito na nga namin siya tinanong kung ano yung tungkol sa tampong iyon sa kanila ng ABS-CBN management. “Wala namang ganu’n kasi magka-text at nag-usap pa kami ni direk Lauren (Dyogi) kaya alam ko wala naman.

“Dapat kasi, ‘yung show ni Alex sa maliit na venue lang at ipinaalam namin ito sa kanila (management), pero nu’ng makausap ko naman ‘yung producer namin, sabi sa akin, ‘why not Araneta kaya namanng punuin ito ni Alex, susugal ka rin lang, bakit hindi pa sa mas malaking venue?’ May punto rin naman, kaya napapayag ako.

“Bakit ko naman tatanggihan ang opportunity, e, may nag-alok Reggee, being a mother and producer din naman, bakit ako tatanggi, sabi nga, strike when the iron is hot.

So, ang alam ng management, sa maliit na venue, tapos naging malaking venue na. Tapos ‘yung petsa na lang ang napagpilian, busy si Alex sa Inday Bote ‘til April, kasi paspasan ang taping.

“Sabi ko, puwedeng isingit so nakita naming available na date is April 25, so okay na, di ba? Nabanggit ko na ito sa management at suggestion nila ay iurong para may sapat na panahon for promo.

“E, hindi na puwede ng May kasi masasabay pa kay Vice Ganda concert, e, hindi naman puwede ng June kasi masasabay naman kay Daniel Padilla at saka tag-ulan na, kaya perfect ang April na lang tapos May si Vice, kaya doon na nagkasundo.

Kaya nagtataka ako na may isyu kami ng management,” buong kuwento ni Mommy Pinty. “Kelan pa siya magko-concert kung hindi na mainit? Sinasamantala ko lang kasi maraming artists na maiinit dati na dahil sa sobrang busy hindi na nagawang mag-show, e, sayang, di ba?” dugtong pa mommy ni Alex.

Bago naman namin isinulat ang side ni Mommy Pinty ay ipinagpaalam namin ito kay katotong Jobert Sucaldito na siyang naglabas ng isyu at nabanggit nga niya na tinatawagan siya ng ina nina Toni at Alex pero na-lowbat siya.

Bukod pa sa inasikaso ng katoto ang bangkay ng kapatid niyang nabaril din nu’ng Sabado ng gabi sa Novaliches, Quezon City. Ang aming pakikiramay kapatid na Jobert at sa iyong pamilya.

Anyway, isa pang nalaman namin ay nanghihingi raw si mommy Pinty ng media partner sa ABS-CBN para sa promo ng “The Unexpected Concert” ni Alex ay tinanggihan daw sila dahil naka-oo na sila sa concert ni Vice Ganda ngayong May, 2015? Tinext namin si Mommy Pinty kahapon tungkol dito at kaagad naman siyang tumawag.

“Tungkol sa media partners namin with ABS-CBN ay umokey sila, wala kaming problema sila pa nga ang nag-schedule at may sarili raw style ng promo si Alex.

Hindi naman nila pupuwedeng hindi tulungan ang concert ni Alex kasi talent din naman nila ‘yan. “Hindi naman kami nakikipag-compete kay Vice kasi malaking artista siya at producer niya mismo ang ABS-CBN, siyempre priority siya.

E, ang producer ni Alex, tagalabas. Wala naman kaming problema, okay kami ni direk Lauren.”Si Mommy Pinty na rin mismo ang nagbukas ng topic tungkol sa pamimigay daw nila ng tickets para lang mapuno ni Alex ang Araneta.

“Bilang isa sa producer, Reggee, siyempre may complimentary tickets kami, so ‘yung ang ipinamigay namin sa church na tumutulong din kay Toni spiritually kasi lahat ng project ng magkapatid, ipinanalangin nila.

“Yung sa munisipyo at ‘yung Mayor namin dito sa Taytay, sila mismo ay nagbayad ng tickets. So, ganu’n ang nangyari, Reggee. Bakit naman ako mamimigay ng tickets, nag-produce pa ako kung malulugi rin lang,” paliwanag pa sa amin.

Anyway, binanggit din namin kay mommy Pinty na nasulat na namin dito ang petsa ng kasal nina Toni at direk Paul, “ikaw naman, paano mo nalaman? Inunahan mo pa sina Toni, naku magagalit ‘yun,” palambing na sabi sa amin.

At binanggit din namin na si Vera Wang ang tatahi ng gown ni Toni, “Sino nagsabi sa ‘yo?” sabi namin si Alex ang nambuking, “Naku, talaga ‘yang si Alex, hindi pa nababasa ng ate niya, mapapagalitan na naman ‘yun.”

Read more...