Mga miyembro ng One Direction hinamon: Magpa-drug test muna bago mag-concert!

one direction
Kaloka ang Pinoy fans ng One Direction, talagang halos magwala sila sa social media dahil sa drug test suggestion ng isang anti-drug advocate organization, ang Laban ng Pamilyang Pilipino.

Magkakaroon ng concert ang One Direction on March 21 at gusto ng grupo na dumaan sa drug test ang members ng boy band. Gusto nilang magsagawa ang Bureau of Immigration ng drug test sa grupo bago sila mag-concert sa bansa.

Naging viral kasi ang video ng One Direction members na sina Zayn Malik and Louis Tomlinson na sinasabing nag-marijuana raw while en route to a concert venue habang sakay ng van.

Ang daming One Direction fans ang naimbiyerna sa drug test issue na ito. Sa galit nga nila ay sinabi nilang dapat nga ay magpasalamat ang mga Pinoy dahil tumulong ang One Direction sa telethon for Yolanda victims noon.

Read more...