Jolo nagdiwang ng kaarawan sa loob ng kulungan kasama ang buong pamilya By: Cristy Fermin - 9 years ago Nagdiwang ng kaarawan kahapon ang nagpapagaling nang vice-governor ng Cavite sa PNP Custodial Center. ‘Yun ang hiniling ni Senador Bong Revilla, ang sana’y magkasama-sama silang mag-anak sa kaarawan ni Vice-Governor Jolo, para sama-sama rin silang magpasalamat sa Diyos sa pagkaligtas sa indulto ng batambatang pulitiko. Konting panahon pa at maayos na maayos na si VG Jolo, isang matinding paghamon na naman ang nalampasan ng pamilya Revilla, hiling ng senador at ni Congresswoman Lani Mercado ay huwag naman sana silang masyadong binibiro ng kapalaran. Sabi pa ng maganda pa ring aktres-pulitiko sa mga pagsubok na dumarating sa kanilang pamilya, “Never kong kinuwestiyon ang Panginoon nu’ng may mangyari kay Jolo. “Alam kong may dahilan ang lahat at mula du’n, may leksiyon siyang makukuha. “Basta patuloy lang kaming nagdarasal na sana, sa lahat ng iniaatang na challenge sa buhay namin, e, huwag kaming pabayaan ng Diyos. ‘Yun lang talaga ang palagi kong hinihiling,” komento ng napakatatag at subok na ang katapangang kongresista. Maligayang kaarawan, Vice-Governor Jolo Revilla! READ NEXTBagong boyband ipakikilala sa ASAP 20 MOST READ Revving up the e-vehicle industry Marcos orders to streamline permit process of 185 infra flagship projects UST Tigresses back in UAAP volleyball Finals after dethroning La Salle Marcos rejects proposal for water cannons on Philippine vessels Marcos hopes old academic calendar back by ‘next year’ LATEST STORIES PH, Vietnam 'must unite' against China's coercive acts OpenAI Search may challenge Google Search soon Miss Universe Sheynnis Palacios sobs at ‘homecoming’ parade in Manila Presyo Merkado: Current prices of food in Metro Cebu markets Marcos hopes old academic calendar back by 'next year' Read more...